^

Metro

‘Walk for Sympathy and Justice’, isasagawa ngayon ng PNPA alumni

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasagawa ngayong araw na ito sa Taguig City ‘Walk for Sympathy and Justice’ ng grupo ng  Alumni Association ng Philippine National Police Academy (PNPA) para sa mga nasawing pulis sa Mamasapano, Maguindanao.

Kahapon ay hinikayat ng naturang grupo na magtungo ang mga Lakan at Lakambini ng PNPA sa Libingan ng mga Bayani sa naturang lungsod, alas-5:00 ng madaling-araw para magsagawa ng Walk for Sympathy and Justice.

Ang hakbangin ng grupo ay upang kondinahin ang umano’y “barbaric” na pagpatay sa  may 44 PNP-Special Action Force (SAF) commandos noong Linggo (Enero 25) sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa kanilang isasagawang ‘Walk for Sympathy and Justice’, mariing hiling din nila na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng mga biktima. 

Matatandaan na nagbanta ang naturang grupo ng “mass leave” bilang apila sa  brutal na pagpatay sa mga ka­hanay nilang pulis.

Samantala, isang ma­lawakang panalangin ang inilunsad kahapon ng National Council of Churches in the Philippines sa Quezon City bilang pakikiramay at pag-aalay sa mga naulila ng  nasawing pulis sa Mamasapano clash.

Ayon kay Most Rev. Ephraim Fajutagana, Obispo Maximo ng Iglesia Filipina Indipendiente, kaisa ang NCCP sa lumalawak na boses upang ipanawagan sa pamahalaan ang mas malalimang imbestigasyon sa naganap na bakbakan sa Maguindanao.

Anya, di sapat na sabihin ni DILG Secretary Mar Roxas na mis-encounter lamang ang nangyari at dapat din umanong linawin ng pamahalaan kung bakit nalabag ang cease fire agreement  ng gobyerno sa pagitan ng MILF na nagtulak sa kapahamakan ng mga special action force nang lusubin ang nasabing lugar.

ALUMNI ASSOCIATION

EPHRAIM FAJUTAGANA

IGLESIA FILIPINA INDIPENDIENTE

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MOST REV

NATIONAL COUNCIL OF CHURCHES

SYMPATHY AND JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with