^

Metro

Nakaapak na deboto ng Nazareno, papayagang sumakay sa LRT

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papayagan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na sumakay ng kanilang tren na nakaapak ang mga deboto na makikiisa sa idaraos na traslacion 2015 ngayong araw para sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapag­salita ng LRT Authority (LRTA), tiyak na nila na marami ang nakaapak na pasahero na sasakay sa LRT dahil sa pista ng Nazareno.

Pinaalalahanan na aniya nila ang kanilang mga guwardia at personnel na hayaang makasakay ng tren ang mga deboto kahit pa wala silang sapin sa paa.

Kaugnay nito, nakahanda na rin ang LRT-1 sa inaasahang pagtaas ng kanilang ridership nga­­yong araw. Taunang tumataas ang bilang ng mga pasahero ng LRT-1 tuwing Enero 9 dahil mas madali ang biyahe ng mga debotong nais makiisa sa prusisyon kung mag-e-LRT patungo sa Quiapo.

vuukle comment

AYON

ENERO

HERNANDO CABRERA

ITIM

KAUGNAY

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

LRT

NAZARENO

PAPAYAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with