^

Metro

Sunog sa QC: 16 bahay naabo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang sunog ang naganap sa lungsod Quezon kung saan 16 na bahay ang naabo at puminsala ng may P500.000 halaga ng ari-arian, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon.

Ayon kay Superinten­dent Jesus Fernandez, city fire marshal, nagsimula ang sunog­ sa bahay ng isang Ismael Bajo na matatagpuan sa Sitio Pingkian, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-10:55 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyan nang madamay ang kalapit bahay nito.

Umabot naman sa ika­lawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula ganap na alas-11:35 ng gabi.

Sinasabing nag-ugat ang sunog sa napabayaang gasera­ na ginamit na ilaw sa nasabing bahay.

Gayunman, inaalam pa ng BFP kung tutuo ang impormasyon habang nagpa­patuloy ang pagsisiyasat dito.(Ricky T. Tulipat)

AYON

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

GAYUNMAN

ISMAEL BAJO

JESUS FERNANDEZ

PASONG TAMO

RICKY T

SITIO PINGKIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with