^

Metro

Lider ng robbery group, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip  ng pinagsanib na puwersa ng Northern Police District at Quezon City Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang hinihinalang lider ng isang robbery/gun for hire group sa ikinasang operasyon sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na si Rolando Edio, alyas Lando, 44, residente ng Block 47 Lot 51 Phase C Dagat-Dagatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat, isang operasyon ang ikinasa ng pulisya sa may Pamasawata St., C3 Road kung saan paboritong lugar ng panghoholdap ng grupo ni Edio.

Nakatunog umano ang mga holdaper sa presensya ng mga pulis kaya nagawang makatakbo ng mga ito.

Nakorner naman ng pu­lisya si Edio na hindi na na­­gawang makapanlaban sa mga nakapalibot na pulis. Nakumpiska rito ang isang kalibre .45 na baril na may anim na bala at isang granada.

Nabatid na ang ope­rasyon ay resulta ng isang buwang intelligence Ope­rations ng NPD at CIDG. Kabilang umano ang “Lando­ group” sa “priority target” sa Metro Manila. Sangkot ang grupo sa serye ng robbery hold-up sa Caloocan at Quezon City at sangkot din umano sa gun-for-hire acti­vities.

CALOOCAN CITY

EDIO

LANDO

METRO MANILA

NORTHERN POLICE DISTRICT

PAMASAWATA ST.

PHASE C DAGAT-DAGATAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with