^

Metro

Sa Maynila holdaper sugatan sa parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bantay-sarado sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang holdaper makaraang maunahang mabaril ng mga rumespondeng tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Manila Base,  habang ang dalawa nitong kasamahang sakay ng motorsiklo ay nakatakas  kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Deudor, 39,   ng Sto. Domingo St., Quezon City na nagtamo ng mga bala sa katawan.

Sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng surveillance ope­ration ang mga tauhan ng CIDG  sa lugar alas- 12:00 ng madaling araw nang mapansin ang isang babae na kinilalang si Kadia Camille Roque, 28, estudyante ng University of Santo Tomas,  na nanghihingi ng tulong sa paglabas nito sa Will Gates Computer Shop na matatagpuan sa  panulukan ng  Concepcion at Dapitan Sts., Sampaloc.

Sa ulat,  pumasok sa nasabing computer shop at nagdeklara ng holdap ang mga suspect, bago lu­mabas ang dalawa na nagsilbing look-out subalit nakalabas din  si Roque at patakbong humingi ng saklolo.

Nang rumesponde ang mga pulis ay tinangka umano ni Deudor na magpaputok ng baril gayunman naunahan siya ng mga nagrespondeng parak.

Mabilis namang  tumakas  sakay ng motorsiklong itim na Honda Wave na may nakakabit na sidecar.

Narekober kay Deudor ang isang .38 kalibre pistol na kargado ng 6 na bala.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAPITAN STS

DEUDOR

DOMINGO ST.

ERNESTO DEUDOR

HONDA WAVE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KADIA CAMILLE ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with