^

Metro

Kolorum, out-of-line na provincial bus, wawalisin sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa mahigpit na kampanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga kolorum na mga sasakyan, simula sa susunod na linggo ay  hindi na  papayagang makapasok sa  kahabaan ng EDSA   ang mga kolorum at out-of-line na provincial  buses.

Ito ay bahagi pa rin sa mga solusyong isinusulong  ng MMDA at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) upang ma­ibsan ang problema ng  masikip na trapiko sa Metro Manila.   

Base sa rekord ng MMDA,  nasa isang libo umanong provincial buses na walang pahin­tulot sa kanilang prangkisa na pumasok sa Metro Manila ang dumadaan sa EDSA.

Nabatid na sa 1,000 pro­vincial buses, ang 800 umano dito ay mula sa katimugan  habang ang 200 naman ay mula norte.

Kaya sa darating na linggo magiging mahigpit na ang pag­harang sa mga ito  kahit pa aniya may mga terminal ang mga ito sa Cubao, Quezon City at Pasay City.

Nabatid,  na huhulihin na ng MMDA at LTFRB ang mga ito kapag bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila lalu na sa EDSA Avenue.

Nakatakda rin umanong magtalaga ng mga temporary terminal ang MMDA.

Kahapon ay nagpulong na rin ang MMDA, LTFRB kasama ang  Metro Mayors upang plantsahin ang pagpapatupad nito.

Kokonsultahin  rin umano ang commuters group para malaman na rin kung ano pa ang maaring gawin para maibsan ang paghihirap ng mananakay.

Sa sandaling simulan na ang pagpapatupad nito, lahat ng mga biyaheng mula norte ay hanggang Monumento na lamang habang ang biyahe mula south ay hanggang Market Market na lamang.

 

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MARKET MARKET

METRO MANILA

METRO MAYORS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with