^

Metro

Gusali nasunog; P.5-M naabo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa P500,000 halaga ng ari-arian ang natupok nang masunog ang isang gusali sa lungsod Quezon, kung saan masuwerte ring nailigtas ang isang babae at isang lalaki na natrap mula dito, ayon sa ulat.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, nilamon ng apoy ang apat na palapag ng commercial-residential ng Reyes building na matatagpuan sa Aurora Blvd., Brgy. San Roque Cubao sa lungsod na pag-aari ng isang Kenie Reyes, 57.

Masuwerte namang nailigtas ang mga biktimang sina Josephine Arcega, 49; at Paolo Arcega, 29, na muntik nang ma-trap sa loob ng kanilang tinutuluyan habang naglalagablab ang nasabing gusali.

Nagsimula anya ang sunog, ganap na alas- 11:46 ng gabi sa isang nangungupahang printing press, partikular sa inner portion ng ground floor nito.

Ang apoy ay nagdulot din ng makapal na usok kung kaya nahirapan ang mga pamatay-sunog na maapula ito dahil hindi kaagad makapasok ang mga bumbero sa pangambang makalanghap ng usok na magdulot ng suffocation.

Gayunman, umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog, bago tuluyang naapula ito, ganap na alas 12:47 ng madaling-araw.

Dagdag ni Fernandez, may posibilidad na electrical ang sanhi ng sunog  dahil highly flammable anya ang ginagamit sa printing press na maaaring may mga gamit na hindi na-unplug kung kaya nagkaroon ng electrical short circuit.

AURORA BLVD

AYON

BRGY

DAGDAG

FERNANDEZ

JESUS FERNANDEZ

JOSEPHINE ARCEGA

KENIE REYES

PAOLO ARCEGA

SAN ROQUE CUBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with