^

Metro

Estudyante tumungga ng lason

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patawirin ang buhay ngayon ng isang 18-anyos na estudyante makaraang umano’y uminom ng isang uri ng lason sa rooftop ng bahay nito sa Navotas City, kama­kalawa ng gabi.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa loob ng Mary Jhonson Hospital ang biktimang si Jarren Renz Pura, isang nursing student, ng  North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod­.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 kama­kalawa ng gabi nang matagpuan ang naka­lugmok na biktima ng kanyang nakababatang kapatid na si Joshua sa rooftop ng kanilang bahay.

Sinabi ni Joshua na may puting likido na nag­­mumula sa bibig na walang malay niyang kapatid­.

Agad namang hu­mi­ngi ng tulong ito sa mga kaanak at dali-daling dinala ang biktima sa pa­gamutan kung saan mabilis na nalapatan ng lunas.

Patuloy na inaalam naman ng pulisya kung sadyang nagtangkang naglason ang biktima at kung ano ang motibo nito.

 

vuukle comment

JARREN RENZ PURA

KASALUKUYANG

MARY JHONSON HOSPITAL

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

PATAWIRIN

PATULOY

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with