^

Metro

13 Tau Gamma nag-hazing kay Servando

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 13 miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang nagsagawa ng initiation rite sa apat na neophytes kabilang ang nasawing De La Salle-College of Saint Benilde student na si Guillermo Cesar Servando.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng  Makati City Police, nadagdagan na umano ang bilang ng  mga miyembro ng fraternity na responsable sa hazing laban sa apat na neophytes.

Naunang lumutang na 11 ang suspek ma­tapos ngang panga­lanan ang mga ito, subalit ayon sa pulisya, labing-tatlo umano ang suspek at sa ngayon aniya ay bina-validate na nila ang tunay na mga pangalan nito.

Saka lamang aniya nila ilalabas ang tunay na pangalan ng mga suspek base ito sa magiging pahayag ng tatlong biktima kasama nga si John Paul Raval, na pawang mga naka-confine ngayon sa iba’t ibang pagamutan.

Nabatid na kahapon ay nagtungo ang  investigation team ng Makati City Police sa DLS-CSB upang mangalap ng iba pang impormasyon hinggil sa kaso.

Subalit, hirap aniyang­ makakuha ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa pamunuan ng naturang paaralan.

Sa ngayon aniya ay wala pang pormal na sinumpaang salaysay na nakukuha ang pulisya mula sa  mga natitirang buhay na mga biktima at pawang  pagkalap pa lamang ng mga impormasyon ay ginagawa ngayon ng pulisya. 

Inaalam na rin ng pu­lisya kung may sangkot na kababaihan sa naturang hazing.

Matatandaan, na noong Hulyo 1, 2014 su­mailalim sa hazing ang apat na neophytes mula sa mga miyembro ng Tau Gamma Phil Fraternity na isinagawa sa Brgy. Palanan, Makati City dahilan ng kama­tayan ni Servando.

DE LA SALLE-COLLEGE OF SAINT BENILDE

GUILLERMO CESAR SERVANDO

JOHN PAUL RAVAL

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

TAU GAMMA PHI FRATERNITY

TAU GAMMA PHIL FRATERNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with