^

Metro

9-anyos hinostage ng sariling kuya

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 9-taong gulang na batang lalaki ang na­sagip ng pulisya makaraang i-hostage ng 18-anyos niyang kuya na lango sa alak at armado ng gunting, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na mga kaso ang suspek na nakilalang si Jefferson Coquia, ng San Isidro, Tala, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11 ng umaga nang umuwing langung-lango sa alak ang suspek at biglang hinablot ang bunsong kapatid na itinago sa pangalang “Boy” saka nagsisigaw na sa­saksakin ito.

Agad na naalarma ang mga kaanak at mga kapitbahay ng biktima hanggang sa rumesponde ang mga tauhan ng pulisya.

Naging maingat naman sa negosasyon ang mga pulis dahil sa armado ng gunting at basag na bote ang suspek na nakatutok sa leeg ng bunsong kapatid.

Habang nakikipagnegosasyon, naibulalas ng lasing na suspek ang problema niya sa kanyang pamilya lalo na sa mga magulang at ang hirap na kanilang dinaranas.

Nagawa namang malansi ng mga pulis ang suspek at nakalapit hanggang sa madakma si Coquia at madisarmahan habang agad na nailayo ang hi­nostage na kapatid.

Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan ha­bang idiniretso sa presinto ang kuyang suspek na isasailalim pa sa dagdag na imbestigasyon.

 

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

COQUIA

HABANG

ISANG

JEFFERSON COQUIA

MABILIS

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with