Libreng school supplies sa 30,000 mag-aaral
MANILA, Philippines - Malaking halaga ang natipid sa gastos sa pasukan ng mga magulang ng 30,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Caloocan City makaraang mamigay ng libreng bag at school supplies ang pamahalaang lungsod ng Caloocan bago sumapit ang pasukan ngayong Hunyo 2.
Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na ang pamimigay ng libreng bag at school supplies ay bilang pagpapakita ng suÂporta sa libreng pag-aaral ng mga kabataan sa naÂsabing lungsod at maibsan ang gastusin ng mga maÂralitang magulang.
Laman ng mga backpack bags na ipinamiÂmigay ang mga kuwaderno, pencil case, lapis, ballpen at pamburaÂ.
Ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod na buhat nang maupo sa puwesto ay agad na namigay na ng libreng school supplies si Malapitan at inaasahang magiging taunang programa na para sa mga mahihirap na mag-aaral.
Idinadaan naman ang pamimigay ng mga libreng bag at school supplies sa pamamagitan ng Department of Education-CaloÂocan Division para sa maayos na pagpapakalat nito sa mga karapat-dapat na mag-aaral.
- Latest