1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng motorsiklo
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa motorcycle rider habang dalawa pang iba ang sugatan makaraang magÂsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Mulawinan Street sa Valenzuela City, kamaÂkalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Rodrigo Silbino, Jr., 47, ng De Galicia Street, Barangay Maysan sa naturang lungsod.
Isinugod rin sa nasabing pagamutan ang mga sugaÂtang sina Abner Cervantes, 50, ng Mulawinan Street, Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City; at Joselito Orale, 21, ng San Agustin, NovaÂliches, Quezon City.
Sa ulat ng Valenzuela City PNP, naganap ang aksidente dakong alas-7 ng gabi kung saan animo’y nagkakarera ang dalawang motorsiklo na minamaneho nina Silbino at Cervantes nang magkasalpukan.
Kapwa sumemplang ang dalawang motorsiklo at tuÂmilapon ang mga pasahero. Sinaklolohan naman ang mga biktima at isinugod sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay si Silbino dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito.
Inaalam ngayon ng puÂlisya kung sino ang posibleng masampahan ng kaso sa naturang insidente.
- Latest