BFP nag-house to house laban sa iligal na paputok
MANILA, Philippines — Naniniwala ang Bureau of Fire Protection (BFP) na epektibo pa rin ang house-to-house campaign upang paalalahanan publiko hinggil sa paggamit ng mga paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Fire Chief Superintendent Jesus Fernandez, bagamat malaki ang naitutulong ng social media sa kampanya, mas makabubuting ang paalala ay nanggagaling sa mga opisyal ng pamahalaan.
Nitong Sabado ay personal na namahagi ng leaflets si Fernandez upang ipaalala ang pagbabawal sa paggamit ng mga iligal na paputok.
Nagsagawa rin ito ng inspeksiyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Layon nito na masiguro na sumusunod ang mga firecracker vendor sa mga regulasyon sa pagbenta ng fireworks at pyrotechnics.
Partikular na sinilip ng BFP ay ang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ng mga nagbebenta ng mga paputok at pailaw.
Gayundin ang naisyung Fire Safety Clearance for Storage para sa pag-imbak ng mga raw material at finished products.Hinahanapan din ang mga ito ng Fire Safety Conveyance Clearance para naman sa pag-transport ng mga firecracker.
- Latest