P30 milyong kush marijuana nasabat sa Balik-Bayan box
MANILA, Philippines — Umaabot sa P30 milyong halaga ng marijuana kush ang nasamsam ng mga tauhan ng hilippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula sa Balik Bayan box sa Taguig City.
Batay sa report na tinanggap ni PNP-DEG Director PBGen Eleazar Pepito Matta, Disyembre 27 nang tumawag ang dalawang warehouse manager ng UMAC Forwarders Express, Inc., hinggil sa kahina-hinalang package na may markang UMTC435241 at UMTC435242.
Katuwang ang Foreign Liaison Division (IFLD), at PDEA NCR-SDO, dinala ng PNP-DEG Special Operations Unit–National Capital Region (SOU-NCR), ang dalawang package sa kanilang tanggapan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ininspeksyon ang dalawang kahon mula sa kinatawan ng media, barangay officials, at narcotic detection dog team.
Dito na tumambad ang nasa 40 heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 20,000 gramo ng Kush marijuana.
Ang mga nasabing kontrabando ay napapaibabawan ng canned goods, bigas at mga damit nang inspeksiyunin ng mga awtoridad.
Sinabi ni Matta na ang pagkakakumpiska ng mga illegal drugs ay resulta ng pakikipagtulungan ng komunidad.
“Our vision is clear: a compassionate, bloodless, and community-driven campaign that safeguards every Filipino from the scourge of illegal drugs while respecting human rights and dignity,” ani Matta.
Dagdag pa ni Matta, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang sangkot sa pagpapadala ng mga bagahe na naglalaman ng illegal drugs.
- Latest