^

Metro

Pulis-Maynila kinasuhan ng kabarong pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa pormal na pag­sasampa ng reklamo ang pagsasanla ng automated teller machine (ATM) card ng isang pulis laban sa kasamahang pulis sa Manila Police District kaugnay sa pagkakautang na P40,000 noong  2013.

Base sa reklamo ni PO3 Marlon Gatbonton, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng MPD-General Assignment Section, sinasabing ang inutang ni PO1 Benedict Allan Prado ay hindi na niya masingil at hindi na rin nakikipag-ugnayan sa kabila ng pangako na huhulugan ito kada payday.

Ayon kay PO3 Gatbonton, nakasama niya sa Pritil PCP si PO1 Prado kung saan noong Hulyo 13, 2013 ay nakiusap na makautang dahil emergency ang panga­ngailangan at ginawang prenda ang ATM  card nito na kada sahod ay huhulugan.

Dalawang buwan pa lamang umano ang nakalipas ay kinain na ng ATM ang card kung saan nakalagay na ‘invalid transaction’ kaya hindi na ma-withdraw ang pera na agad ipinaalam kay PO1 Prado,.

Hanggang sa kasaluku­yang buwan ay wala pang nangyayari sa pakiusap ni PO3 Gatbonton kay PO1 Prado na ayusin ang problema sa ATM card upang siya ay mabayaran.

Nagpasiya na lamang si PO3 Gatbonton na pormal na ireklamo ang kabaro kung saan hindi rin umano sumi­sipot sa pagpapatawag ng MPD-GAS.

 

AYON

BENEDICT ALLAN PRADO

DALAWANG

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATALLION

GATBONTON

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HANGGANG

MANILA POLICE DISTRICT

MARLON GATBONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with