^

Metro

5 suspek sa QC shooting spree kakasuhan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatakdang kasuhan ng mga awtoridad ang limang suspek na nadakip na pinaniniwalaang nasa likod ng walang habas na pamamaril sa lungsod ng Quezon nitong Linggo.

Sinabi ni Senior Inspector Maricar Taqueban, Quezon City Police District Public Information Office head na tanging si Alsaid Mindalano lamang ang makakasuhan ng multiple murder para sa pagpatay sa pitong katao sa North Fairview.

Ang 28-anyos na si Mindalano ang nagmamaneho at may-ari ng motor na ginamit sa pamamaril, ayon pa kay Taqueban.

Kasong illegal possession of firearms and ammunition, possession of illegal drugs at direct assault naman ang isasampa laban kina Bochary Mindalano, 32; Mangoatawar Monib, 31; Ahmad Madkadato, 18; at sa isang 16-anyos na suspek.

Ibibigay ng mga pulis sa  Department of Social Welfare and Development ang menor-de-edad.

AHMAD MADKADATO

ALSAID MINDALANO

BOCHARY MINDALANO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

IBIBIGAY

KASONG

MANGOATAWAR MONIB

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY POLICE DISTRICT PUBLIC INFORMATION OFFICE

SENIOR INSPECTOR MARICAR TAQUEBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with