QC bilang technical skills capital, isusulong ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Isusulong ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na maging technical skills capital ang lungsod.
Ayon kay Belmonte kaÂtulong nila ang pamahalaan ng Korea nang magkaroon ng isang tripartite agreement ang Korea at Pilipinas (KORPHIL) sa pamamagitan ng Korean International CoÂoperation Agency, TESDA at QC government para makapag -produce ang lungsod ng mga highly skilled manpower sa IT industry.
Anya, naglaan ang Korea ng $4.3 milyon sa Tesda para pondohan ang proyektong ito sa QC, gayundin ang mga equipment at structure para dito.
Para sa matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito ay nakapagpatayo ang QC government ng IT training center sa Novaliches katulong ang Korea upang dito hasain at bigyan ng training ang mga taga-lungsod at ang mga graduates dito ay bibigÂyan ng trabaho ng KORPHILÂ.
Ang proyekto ay nagsimula noong 2004 at magtatapos sa taong 2019 ay pinangaÂngasiwaan ng QC Polytechnic University.
- Latest