Pamilyang Cudia dudulog uli sa Korte Suprema
MANILA, Philippines - Babalik sa Korte Suprema ang pamilya ng dinismis na Philippine Military AcaÂdemy (PMA) Cadet Aldrin Jeff Cudia para hilingin na aksiyonan ang kaso ng hindi nito pagka-graduate bilang kadete ng akademya ngaÂyong taon.
Sa ginanap na press conference sa Public Attorney’s Office (PAO) office sa QC, inamin ng pamilya Cudia na muli silang nagsaÂlita ngayon kaugnay ng isyu dahilan sa wala silang natatanggap na pagkilos dito ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Ginoong Renato Cudia, ama ng kadeteng si Cudia na hindi sila makakapag-move-on dahil nakalagay sa transcript of record ng kanyang anak ay indefinite leave lamang at walang proper closure.
Hiling pa ng pamilya na tapusin na sa lalong madaÂling panahon ang reinvestigation ng Armed Forces of the Philippines hinggil sa naÂturang isyu.
Matatandaang si Cudia ay hindi nakasama sa mga nagsipagtapos ngayong taon sa hanay ng mga graduates sa PMA Siklab Diwa Class 2014 dahil sa isyu ng umaÂno’y pagsisinungaling nito.
- Latest