^

Metro

Fashion designer ninakawan na, pinatay pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ninakawan na, pinatay pa ang isang batang fashion designer ng dati umanong tauhan noong Martes ng umaga sa Makati City.

Si Kenneth Chua, 38, ng  Dayap St., Brgy. Palanan ay natagpuan ng kanyang mga magulang na duguan at wala nang buhay alas-11:45 ng umaga noong Martes sa loob ng comfort room nito sa naturang lugar na may apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, may laslas sa leeg at nakatali ang mga kamay nito.

Po­sible umanong nanlaban ang biktima at hindi iisang tao ang may kagagawan sa pagpatay dito.

Nadakip naman ang suspect na kinilalang si Rogelio Acquiat, dating master cutter ng nasawi. Natunton ito, matapos na gamitin ang ATM ng biktima sa isang ATM machine sa Caloocan City.

Nabatid na isa si Chua sa mga batang designer na gumagawa ng damit ng mga sikat at kilalang artista sa bansa at sina­sabing kabilang sa  kliyente ni Chua ay ang ilang artista ng ABS-CBN at ilang beauty queen.

BRGY

CALOOCAN CITY

CHUA

DAYAP ST.

MAKATI CITY

NABATID

NADAKIP

ROGELIO ACQUIAT

SI KENNETH CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with