^

Metro

Parañaque City magpapatupad na rin ng truck ban

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para higit na maibsan ang lumalalang trapik, gumaya na rin ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa Maynila dahil ipatutupad na rin sa lungsod ang truck ban sa ilang kalye nito.

Nabatid, na kabilang sa magiging sakop ng truck ban ay ang mga kalye ng Doña Soledad Avenue, France, Magdalena at Japan na nasa Brgy. San Antonio patungong Brgy. Don Bosco.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nabatid na mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang itinalagang window hours sa naturang  truck ban.

Sinabi ng naturang alkalde na  masyadong masikip at makitid ang mga nabanggit na kalye kaya kailangang magpatupad ng truck ban dito.

Ayon pa kay Olivarez,  dati na aniya itong ordinansa, subalit  ngayon lang nila naipatupad. 

 

AYON

BRGY

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

DON BOSCO

MAGDALENA

MAYNILA

NABATID

SAN ANTONIO

SOLEDAD AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with