^

Metro

Ex-convict sa rape, timbog uli sa murder

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 20-anyos na ex-convict na nagbitbit ng baril habang nanonood sa singing contest at habang nakakulong ay natukoy din na suspek ito sa pagpatay sa pedicab driver na kanyang niresbakan sa Tondo, Maynila, noong nakalipas na isang linggo.

Kinuha ng Manila Police District-Homicide Section ang kustodiya sa suspek na kinilalang si Jerome Rivera, binata, miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik gang’ at residente ng San Pedro St., Balut,  Tondo.

Batay sa ulat, dinakip ang suspek ng  mga tauhan ng MPD-Raxabago Police Station 1 dakong alas-10:00 ng gabi nitong Linggo (Pebrero 23) nang makitang may dalang baril habang nanonood ng  amateur singing contest sa Northbay , Balut, Tondo.

Nang isailalim sa beripikasyon, nadiskubre na suspek din sa pagpatay  si Rivera sa isang Raymond Estacio, 41, pedicab driver,  ng Alfonso St.,Balut, Tondo na binaril niya noong Pebrero 15, 2014, ganap na alas-6:00 ng umaga sa Ampioco St., Balut, Tondo, na ang kaso ay hawak ni SPO2 Benito Cabatbat ng MPD-Homicide Section.

Namamasada umano ng pedicab ang biktima na may sakay na pasaherong mga estudyante nang barilin ni Rivera. Isang paslit na sakay ng pedicab ang na-trauma umano dahil sa pamamaril ni Rivera kay Estacio.

Lumalabas na taong 2011 ay nahatulan na makulong ng 6 na taon ang suspect dahil naman sa kasong rape na inihain umano ng kapatid ni Estacio, subalit naaprubahan ang probation nito kaya nakalaya sa loob lamang ng dalawang taon.

Lumaya man ay may kimkim na galit umano si Rivera kay Estacio bunga ng pagkakakulong  dahil ang huli umano ang may kagagawan na maidiin siya sa rape, na hindi naman umano niya ginawa.

ALFONSO ST.

AMPIOCO ST.

BENITO CABATBAT

ESTACIO

HOMICIDE SECTION

JEROME RIVERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PEBRERO

RAXABAGO POLICE STATION

RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with