Lolo, 1 pa natupok sa sunog
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang lolo habang sugatan ang tatlo pa nang sumiklab ang sunog na naganap sa Taguig City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Pakirim Kudarat, 61 matapos itong ma-trap sa loob ng kanyang bahay samantalang na-recover naman kahapon ng umaga sa ilalim ng lababo ang bangkay ni Norayda Diamla, 40, kapwa residente ng Bgy. Maharlika Village ng naturang lungsod.
Nilalapatan din ng lunas sa naturang pagamutan ang mga sugatang sina Camila Tabawa, nalapnos ang balat nito nang madikitan ito ng nasusunog na tarpaulin; Alan Pomene, na nabalian naman at si Suraida Solayman, na napilayan maÂtapos tumalon dahil sa takot at pagkataranta mula sa ikalawang palapag habang sa nasusunog ang bahay nito, ang mga ito ay pawang residente ng naturang lugar.
Base sa report na natanggap ni Sr. Insp. Vener Sevilla, ng Taguig City Fire Department, naganap ang sunog ng alas-9:25 ng gabi sa Mindanao Avenue, Bgy. Mahalika Village ng naturang siyudad, na umabot ito ng Task Force Alpha.
Tinatayang umabot sa 72 kabahayan ang tinupok ng maÂlakas na apoy at mahigit sa 100 pamilya ang naapektuhan ng insidente.
Nabatid na alas-11:00 na ng gabi nang ideklarang fire-out ang sunog na sa tantiya pa rin ng mga awtoridad ay umaabot sa mahigit P300,000 ari-arian ang naabo.
Pansamantala namang nanunuluyan sa Maharlika Trade Center ang mga nasunugang pamilya kung saan tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, na pagkakalooban ng tulong ng pamahalaang local ang mga pamilyang naapektuhan sa sunog. Sa ngayon patuloy ang pamamahagi ng pagkain ng local na pamahalaan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente kung ano ang naging sanhi nang pagsiklab ng apoy.
- Latest