^

Metro

Mag-inang isinangkot sa carnapping, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang mag-ina na sinasabing sangkot sa carjacking makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng Elliptical Road sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Quezon City PNP District director P/Chief Supt. Richard Albano, ang mga napaslang na sina Mark Joseph Reyes at Jasmin Reyes.

Ayon sa ulat, si Joseph kasama ang kanyang ama na si Mark Lester ay isinasangkot sa serye ng carnapping.

Sa pahayag ni Albano, ang mag-ina ay dumalo sa  pagdinig sa kasong carnapping at illegal possesions of firearms sa Quezon City Regional Trial Court Branch 94 bago sumakay sa taksi na pinapasada ni Jun Gobis.

Sabi ni Gobis, isinakay niya ang mag-ina at isa pang kasama babae sa likurang bahagi ng Quezon City Hall of Justice kung saan nagpahatid sa Monumento sa Caloocan City.

Gayon pa man, pagsapit sa gate ng Kalayaan Ave­nue sa City Hall complex, ay bumaba ang babae at sinabihan ang mag-ina na magkita na lang sa Monumento.

Sabi ni Gobis, napuna niya na ang nasabing babae bago bumaba ay may kausap sa cellphone.

Samantala, ang taksi driver na si Rommel Dinulos ay hinarang si Gobis pagsapit sa Elliptical Road at nakiusap na humiram ito ng gamit dahil nasiraan ng sasakyan.

Matapos nito, sinabi ni Gobis kay Dinulos na ipaparada lang nila ang kanilang taksi sa kahabaan ng Quezon City Memorial Circle. Habang nag-uusap ang dalawang driver, nakarinig na lamang ng putok ng baril kung saan nang kanilang lingunin ay nakita ang dalawang armadong lalaki na nasa gilid ng taksi ni Gobis at pinagbabaril ang mga pasahero nito.

Nakita pa ng ilang testigo ang isa sa mga gunman na itinaas ang kanyang baril at tinakot ang driver ng dump truck na nagbubusina dahil nakaharang sa trapiko.

Sa tala ng pulisya, si Mark Joseph Lester at kanyang nanay kasama si Arlene Datul-Juaniza ay nadakip ng mga operatiba ng QCPD noong August 2011 dahil sa pagtangay sa saskyan ng Social Security System president na si Emilio de Quiros Jr.

ARLENE DATUL-JUANIZA

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

CITY

CITY HALL

ELLIPTICAL ROAD

JASMIN REYES

JUN GOBIS

KALAYAAN AVE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with