^

Metro

Abogado sa ‘gift bomb’ nagbitiw sa kaso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaligiran umano ng  mga ‘goons’ ang bahay ni Atty. Joel Estrada sa Maynila kung kaya’t binitiwan nito ang kanyang hawak na kaso kaugnay ng ‘gift bomb’.

Ito naman ang naging pahayag ng negosyanteng­ si Manny Padilla, na nag­sampa ng kaso laban sa mag-inang Arlene at Arnold­ Padilla na suspect sa pa­ma­maslang kay Yvonne Pa­dilla-Chua.  Si Chua ay anak ni Arlene at kapatid ni  Arnold.

Ayon kay Manny, hindi siya nagtataka kung bakit nagwidro si Atty. Estrada. Aniya, buhay na nito ang nakataya kung kaya’t naiintindihan niya kung ito man ang  desisyon  nito.

Nabatid na submitted na for resolution ang kaso su­balit hindi na sumipot si Estrada sa Department of Justice para sa preliminary hearing.

Nakasaad naman sa sulat ni Atty. Estrada sa piskalya na ang kanyang  pagwithdraw sa kaso ay  ‘purely professional’.

Inaasahan namang mag­­lalabas ng resolusyon ang piskalya sa loob ng tatlong­ buwan hinggil sa kaso  upang malaman kung idi­dismis o iaakyat sa korte.

ANIYA

ARLENE

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOEL ESTRADA

MANNY PADILLA

SHY

SI CHUA

YVONNE PA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with