Pagkakaisa, pag-unlad hangad ng mga Muslim sa Maynila
MANILA, Philippines - Nagsisimula ang pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano na nasa Maynila para sa pagkakaisa kung saan iisa lamang ang kanilang adhikain na katahimikan at pag-unlad.
Ipinakita ito at ipinaramdam ng mga Muslim na naniniÂrahan at naghahanap-buhay sa Maynila sa naganap na Manila Multi-sectoral Congress sa UniberÂsidad de Manila noong Biyernes ng hapon.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang mga Muslim sa Maynila mula sa Baseco, Quiapo, Isla Puting Bato, Sta Mesa at kung saan-saan pa dahil sa imbiÂtasyon ni Manila Muslim Consultative Council chairman Jo Arabani.
Nais ni Arabani, sa utos na rin ni Manila Mayor Joseph Estrada, na magkaisa at magtulungan ang mga Muslim at Kristiyano para sa maayos na pagkakaÂunaÂwaan, katahimikan at pag-unlad.
Kinatawan naman ni Jude Estrada at Sandra Cam, paÂÂngulo ng whistle blower sa Pilipinas ang alkalde kung saan nagbigay ng mensahe sa mga dumalo sa pagtitipon.
Sinabi ng batang Estrada na hindi na nakapiring ang mata ng mamamayan para sa katahimikan kaya nga nais ng mga ito ng kapayapaan at pagkakaisa anuÂman ang relihiyon.
Hiling ng batang Estrada na galangin ang damdamin ng bawat isa at tigilan na ang gantihan sa pamamagitan ng kaÂraÂhasan sapagkat wala itong patutunguhan. Ang pag-unlad, ayon sa colonel, ay nakasalalay sa pagÂkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino.
- Latest