Kakarag-karag na sasakyan sa kalsada, wawalisin na
MANILA, Philippines - Wawalisin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga luma at kakarag- karag na sasakyan sa kalsada.
Ito ay makaraang magkasundo ang LTFRB, Land Bank of the Philippines Leasing Corp. (LLC) at Code X Transport group para mapalitan ng bagong unit ang mga phase out na units ng mga AUV operators.
Sa ilalim ng programa, pauutangin ng Land Bank ang mga operators ng mga AUV units na miyembro at opisyal ng grupong Code X Transport group na babayaran sa loob ng 5 taon.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, sa pamaÂmagitan ng programang ito ay hindi na mag-aalala pa ang mga operators at drivers ng AUVs na mawalan ng hanapbuhay oras na ma-phase out ang minamanehong sasakyan dahil aayudahan sila ng naturang bangko para makabili ng bagong unit ng pampasaherong sasakyan.
Hanggang 13 years lamang ang itinatagal ng mga AUVs para maipasada at matapos ang 13 taon ay ipe-phase out na ito ng LTFRB o hindi na papayagan pa na maipasada sa lansangan.
Nilinaw ni Ginez na ang ayuda ay nilaan sa mga AUV operators na phase out na ang sasakyan pero intact pa rin ang franchise o hindi pa paso ang prangkisa.
Binigyang diin ni Ginez na ang naturang hakbang ay bahagi ng programa na mawalis ang mga kakarag karag na mga pampasaherong sasakyan sa kalsada.
- Latest