^

Metro

P207 milyong halaga ng pekeng produkto nasamsam ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P207 milyong halaga ng pekeng produkto nasamsam ng NBI
Ayon kay NBI director Jaime Santiago, isinagawa ang operasyon ng kanyang mga tauhan sa bisa ng Search Warrants na naipalabas ng korte kaugnay ng paglabag sa Trademark Infringement sa ilalim ng R.A. 8293 ng mga Owners/Occupants ng mga stalls sa Pasay City.
PNA / File photo

Mga bodega sinalakay

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang dagsa ng mga mamimili ng mga pang­regalo ngayong Kapaskuhan, ikinasa ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division ang operasyon laban sa bentahan ng mga pekeng produkto na nagresulta sa pagkakasamsam ng nasa P207 milyong halaga ng mga fake products  sa isinagawang operasyon sa  Pasay, Valenzuela at Bulacan.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago, isinagawa ang operasyon ng kanyang mga tauhan sa bisa ng Search Warrants na naipalabas ng korte kaugnay ng paglabag sa  Trademark Infringement sa ilalim ng R.A. 8293 ng mga Owners/Occupants ng mga stalls sa Pasay City.

Kabilang sa mga  pekeng produkto  ay tshirt, sando, jogging pants, jackets, boxer shorts, pantalon at mga pabango.

Ang tatak ng mga pekeng produkto ay Adidas, Vanz, Gucci, Under Armour, Lee Bumgarner at Victoria’s Secret.

Kinasuhan na ng NBI ng paglabag sa naturang batas ang mga may-ari ng mga pekeng produkto.

vuukle comment

PROPERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with