^

Metro

Pagsasapribado sa Orthopedic, pinapipigil sa Supreme Court

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapipigil  sa Korte Suprema ng mga militanteng grupo at health professional ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center sa lungsod ng Quezon.

Ito ay sa pamamagitan ng petisyon na inihain ng People’s Health Movement, Health Alliance for Democracy (Head), Bayan Muna at Kabataan Party List kung saan hiniling nila na magpalabas ang hukuman ng preliminary injunction.

Ayon sa mga petitioner, nang dahil sa pagsusulong ng gobyerno na isapribado ang Orthopedic Center, inaabandona ng pamahalaan ang tungkulin nito na tiyaking mabibigyan ng basic social services  gaya ng pangangalaga sa kalusugan ang mga mahihirap na mamamayan.

Paglabag umano ito sa rights to health care at equitable access to health services na ginagarantiyahan ng Saligang Batas. Tinuligsa rin ng mga petitioner ang paggamit ng gobyerno sa Build Operate Transfer (BOT) Law sa pagsa­sapribado ng health services na dapat ay ginagamit lamang umano sa konstruksyon o rehabilitasyon ng mga ospital at pasilidad nito.

Ang Orthopedic Center ay ang tanging ospital sa bansa na may specialization sa mga kaso ng spinal cord injuries, pero ito ay isinasapribado ng pamahalaan sa ilalim ng private public partnership project ni Pangulong Benigno S. Aquino Jr.

Ang Megawide-World Citi Consortium ang nakakuha sa 5.6-billion pesos na halaga ng concession agreement para sa nabanggit na pagamutan noong Disyembre.

Sa ilalim ng winning bid, papayagan lamang ang Ortho­pedic Center na maglaan ng 70 hospital beds para serbis­yuhan ang mga mahihirap na pasyente, at 420 para sa mga pasyente na suportado ng Philhealth gayong sa kasalukuyang sistema, 562 hospital beds o 85-percent ng buong kapasidad ng pagamutan ay inilalaan para sa mga mahihirap na pasyente­.

ANG MEGAWIDE-WORLD CITI CONSORTIUM

ANG ORTHOPEDIC CENTER

AQUINO JR.

BAYAN MUNA

BUILD OPERATE TRANSFER

HEALTH ALLIANCE

HEALTH MOVEMENT

KABATAAN PARTY LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with