Maglive-in partner todas sa resbak
MANILA, Philippines - Paghihiganti ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagkamatay ng mag-live-in partner matapos pagbabaÂrilin ng pitong katao na paÂwang miyembro ng Sawako gang kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead on arrival sa Manila Central University (MCU) HosÂpital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Efren Villanueva, 40 habang nalagutan naman ng hininga habang ginagamot sa naturang pagamutan sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan ang ka-live-in nitong si Josephine Paraiso, 44, kapwa residente ng #047 Mariano Ponce St., Bgy. 135 ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang pitong susÂpek kabilang ang isang babae at ang isa dito ay nakilala lamang sa “alias Bonjhong†na pawang miyembro ng natuÂrang gang.
Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-8:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-live-in sa naturang lugar.
Nagpapahinga ang mga biktima nang dumating ang mga suspek na sakay sa tatlong motorsiklo.
Bumaba si Bonjhong at pinasok nito ang bahay ng mga biktima habang nagsilbi namang look out ang anim na kasama nito.
Walang sabi-sabing piÂnaÂputukan ni Bonjhong si VillaÂnueva na naging dahilan upang magsisigaw si Paraiso na naging dahilan din upang pagbabarilin din ito ng suspect.
Matapos nito ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon sakay ng mga motorsiklong hindi nakuha ang mga plaka.
Agad namang dinala ang mga biktima sa natuÂrang paÂgamutan kung saan lumaÂlabas na paghihiganti ang motibo ng grupo dahil noong nakaraang linggo ay may pinatay na isang miyembro ng Sawako gang sa naturang lugar at isa si Villanueva sa pinagbibintaÂngan na may kinalaman umano sa pagpatay.
- Latest