Chinese New Year sa QC pangungunahan ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang kauna-unahang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Banawe, Quezon City sa Enero 31, mula alas-4 ng hapon.
Sinabi ni Vice Mayor Belmonte na ang proyektong ito ng kanyang tanggapan ay ipatutupad upang bigyang pagkilala ang pagtulong ng Filipino-Chinese community ng QC sa pagpapalago ng ekonomiya ng lunsod.
Sinabi din ni Belmonte na layunin ng proyektong ito na mapaganda ang turismo sa Banawe na ngayon ay kinikilalang China Town ng QC.
“Ito ay bilang pagkilala sa Chinese community na tumutulong sa paglago ng ekonomiya ng QC at para naman maiparamdam sa kanila na nagagamit nila ang naibabayad nilang tourism fee kada taon,†pahayag ni Belmonte.
Ang isang araw na pagdiriwang ay katatampukan ng dragon dance at magbibigay ng discounts at promo ang mga restaurants dito, fireworks, street dance at iba pa.
May 135 establishments sa Banawe QC na sumasakop sa Bgy. Manresa, Sto. Domingo, St. Peter at Siena.
Ang programa ay ipatutupad sa pakikipag-tulungan ng Chinese Filipino Businessmen Association sa QC.
- Latest