^

Metro

Nakaaway si misis, kelot nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang bahay matapos na umano’y magtalo ng kanyang asawa sa lungsod Quezon, kahapon.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Jorge Caculba, may-hawak ng kaso, nakilala ang nasawi na si Rener Nepales, 27, electrical maintenance at residente sa no. 429 Area 6, Mapagkumbaba St., Barangay Botocan.

Ayon kay Caculba, ang biktima ay natagpuan na lamang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay ng kanyang tatay na si Mang Ricardo gamit ang sampayan.

Agad na tinanggal ni Mang Ricardo sa pagkakabigti ang anak saka sinubukang irevive ito, hanggang sa itakbo sa East Avenue Medical Center, pero idineklara ding dead on arrival ng mga doctor.

Sabi ni Caculba, base sa panayam niya sa mga residenteng malapit sa lugar, nagtalo umano ang biktima at kanyang asawa bago ang insi­dente.

Gayunman, iniimbestigahan pa anya nila ang kaso upang mabatid ang tunay na ugat na pagpapakamatay nito.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY BOTOCAN

CACULBA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GAYUNMAN

JORGE CACULBA

MANG RICARDO

MAPAGKUMBABA ST.

RENER NEPALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with