^

Metro

30 days suspension ikinasa ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 78  yunit ng bus ng Don Mariano Transit Corporation simula kahapon (Disyembre 16).

Sa pahayag ni LTFRB Chairman Winston Gines, karaniwang iginagawad ng ahensiya sa mga kumpanya ng bus na nasa­sangkot sa matinding sakuna na maraming indibidwal ang namatay at nasugatan.

Niliwanag ni Gines na tigil muna ang biyahe ng mga bus ng naturang company hangga’t isinasailalim sa  imbestigasyon.

Kaugnay nito, sinabi ni Gines na isasalang  sa  road worthiness test ang mga bus ng kumpanya at nakikipag- ugnayan na ang tanggapan sa insurance company para ayudahan ang pamilya ng mga biktimang namatay at nasugatan.

Kapag napatunayan anyang nagkasala ang nasabing bus company ay posibleng matanggal ang prangkisa nito.

CHAIRMAN WINSTON GINES

DISYEMBRE

DON MARIANO TRANSIT CORPORATION

GINES

KAPAG

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

NILIWANAG

SINUSPINDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with