^

Metro

Problema ng LGBT sa QC, tututukan ni VM Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyang solusyon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin  ng mga lesbian, gay, bi-sexual at transgender (LGBT) community sa lungsod  na kadalasang nabibiktima ng deskriminasyon, harrassment, pang aabuso, bullying at iba pa.

Sa isinagawang LGBT summit na pinangunahan ni Belmonte, sinabi nitong magpapatupad ng bagong batas ang QC para labanan ang deskriminasyon sa mga LGBT  at tuloy mabigyan ang mga ito ng dagdag na serbisyo sa edukasyon, pangkalu­sugan, livelihood at  iba pa na maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad bilang isang  mamamayan ng lungsod.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Belmonte na  bago ang ipatutupad na batas ay magsasagawa muna ng  isang public consultation ang kanyang tanggapan katulong ang mga barangay officials at mga private sector para malaman ang pangangailangan ng LGBT at kung paano sila matulungan para maging produk­tibo sa bawat komunidad.

Bagamat mayroon na anyang batas sa lungsod  hinggil sa anti discrimination, mas mainam na makapagpatupad ng bagong batas hinggil dito na para sa mga LGBT.

Sa ngayon ay hindi saklaw ng kasalukuyang anti-descrimination bill ang tungkol sa larangan ng  edukasyon, kalusugan at iba pang mga serbisyo. Ang batas  ay laan lamang sa trabaho at work place sa lungsod.

Kaugnay nito, hiniling ni Belmonte sa mga LGBT sa QC na magparehistro sa Community Relations Office (CRO) sa QC hall dahil wala pang representative dito ang LGBT para tuloy mapabilis ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga problema.

BAGAMAT

BELMONTE

BIBIGYANG

COMMUNITY RELATIONS OFFICE

KAUGNAY

LGBT

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->