^

Metro

Wanted na pusher laglag sa cara y cruz

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunga ng maingay na paglalaro ng cara y cruz,  isang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng  Manila Police District-Police Station 7 matapos na matuklasang matagal nang wanted dahil sa kasong bawal na droga sa Maynila.

Kinilala ni Supt. Roderick Mariano ng MPD Station 7 ang  suspect na si Rudolf Lagamzon, 29, ng  New Antipolo St., Tondo, Maynila.

Ayon kay Mariano si Lagamzon, kasama ang iba pa na nagka-cara y cruz  sa Daang Bakal St. kanto ng New Antipolo ay inireklamo ng mga kapitbahay kaya agad na tinungo ng naturang operatiba.

Gayunman, nang lalapitan ng  mga pulis  ang grupo ng suspect ay nagtakbuhan ang mga ito habang nasakote si Lagamzon.

Nang imbestigahan, nakumpirma na may standing warrant­ of arrest ang suspect kaugnay sa kaso ng pagtutulak ng bawal na droga o paglabag sa Repulic Act 9165 na nakabimbim sa Manila Regional Trial Court Branch 53.

Walang piyansang inirekomenda sa kaso laban kay Lagamzon.

Samantala, sinabi ni Mariano na ipinagbabawal ang anumang uri ng sugal sa Maynila.

Nagsasagawa na rin sila ng operasyon laban sa mga guerilla-type bookies.

 

DAANG BAKAL ST.

LAGAMZON

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE STATION

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARIANO

MAYNILA

NEW ANTIPOLO

NEW ANTIPOLO ST.

REPULIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with