^

Metro

Kelot na nag-post ng hubad na litrato ng ka-eyeball, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng awtoridad ang isang 27-anyos na lalaki ma­tapos na ireklamo ng  dalagang ka-eyeball nang pang-aabuso at pagpo-post ng hubad niyang larawan sa Facebook sa lungsod Quezon.

Ayon kay Police Insp. Danilo Malab Jr., ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, inaresto ang suspect na nakilalang si Prudencio del Mundo III, ng Romualdez St., Mandaluyong City base sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Marie.

Nakuha mula sa suspect ang isang Samsung Digital Camera 12.2 mega pixel color silver, isang Nokia cellphone, assorted ID card, assorted keys, itim na wallet at itim na shoulder bag.

Ang reklamo ay nag-ugat nang ilathala umano ng suspect ang hubad na litrato ng biktima sa Facebook.

Bago ito, ayon sa ulat ng pulisya, inabuso umano ang biktima sa iba’t ibang okasyon noong Sept. 4, 2012, ganap na alas-5 ng hapon sa isang hotel sa Cubao, hanggang January 2013 at November 4, 2013.

Nagkakilala umano ang biktima at suspect sa pama­magitan ng online noong nakaraang taon at nagkasundo na magkita sa isang lugar.

Dito umano ay nagawang isama ng suspect ang biktima sa hotel matapos painumin ng inuming hinaluan ng Ativan.

Dito umano seksuwal na inabuso ng suspect ang biktima lalo na ang pagkuha sa kanya ng litrato nang hubad.

Simula umano nang mangyari ang insidente, madalas na tinatakot ng suspect ang biktima na ilalagay sa Facebook ang kanyang hubad na larawan kung hindi siya sasama o makikipagkita dito sa hotel kaya ilang ulit pa siyang inabuso nito.

Gayunman ay nagawa pa rin ng suspect na i-post sa Face­book ang kanyang hubad na larawan na nakita ng kanyang tiyahin kaya kinompronta siya nito.

Dahil dito, nagpasya ang biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang nasabing suspect. Kaya naman nang muling ayain ng suspect ang biktima na magkita sa  hotel ay doon sinimulan ang entrapment operation at nadakip ang suspect, ganap na alas-7 ng gabi.

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANILO MALAB JR.

DITO

FACEBOOK

MANDALUYONG CITY

POLICE INSP

QUEZON CITY POLICE

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with