^

Metro

Eleksiyon sa Maynila, may sapat na bantay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May sapat na puwersa na mangangalaga sa barangay election ngayong araw sa Maynila upang tiyakin ang mapayapang pagdaraos nito
.

Ito ang  tiniyak ni C/Insp. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD) kung saan sinabi nito na mula kahapon hanggang sa ma­tapos ang elek­siyon ngayon ay inaasahang naka­bantay lamang ang pwer­sa ng kapulisan na may ka­buuang 1,182, bukod pa sa augmen­tation forces mula sa Philippine Army na nasa 200.

Nabatid na mula sa MPD-Station 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, at 11 ay nagtalaga sa mga polling precincts ng may 654; nasa 344 naman ang ipina­kalat ng MPD headquarters; Joint Task Force mula sa National Capital Region ay nasa 88; mula sa PNP-National headquarters, Camp Crame ay 136; Regional Head­quarters 48;  at Regional Public Safety Battalion ay 200.


Maliban pa ito sa itinalagang Philippine Army na nasa 200, na 
makakatulong din sa pagbabantay ng kapulisan.


Kabilang din sa ginagawang pagbabantay ang checkpoints at pagpapairal ng gun ban at liquor ban.

CAMP CRAME

ERWIN MARGAREJO

JOINT TASK FORCE

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE ARMY

REGIONAL HEAD

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with