^

Metro

Kelot todas, 4 sugatan sa pamamaril

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspect habang apat din ang  sugatan nang tamaan ng ligaw na bala kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang  si Nikkie­ Blanco, 26,  ng Vanguard St., Camarin ng naturang  lungsod samantalang ginagamot naman sina Adrian Laping, 11; Melmar Tadena, 17; Aaron Jay Monderin, 13; at pinsan na si John Roldan Monderin, 13, pawang mga taga-Villa CCO, ng naturang lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up at inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect.

Ayon sa report na natanggap ni Police Supt. Ferdinand Del Rosario, deputy chief of police at hepe ng Station Investigation Branch, Caloocan City Police naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi sa Villa CCO ng naturang lugar.

Naglalakad ang biktima nang sumulpot sa likuran nito ang suspect na armado ng baril at pinaulanan ito ng bala at tinamaan naman ng ligaw na bala ang apat na binatilyo na nasa loob ng isang computer shop malapit lamang sa pinangyarihan ng insidente. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect.

 

AARON JAY MONDERIN

ADRIAN LAPING

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

FERDINAND DEL ROSARIO

JOHN ROLDAN MONDERIN

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MELMAR TADENA

POLICE SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with