^

Metro

Na-praning sa nasaksihang krimen, mister nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal sa pa­mamagitan nang pagbi­bigti ang isang mister sa loob ng kanilang ba­rung-barong  sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, mula umano nang makasaksi ng krimen ang biktimang si Norberto Brez, 45, residente ng Gate B-2 Bahay Kalinga, Baseco Compound, Port Area, Maynila ay nagkaroon ito ng phobia, palaging walang kibo at madalas na nakatutulala, ayon sa misis na si Jocelyn Brez.

Nabatid na alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ni Jocelyn na nakabitin na ang mister.

Sinabi rin ni Jocelyn, na posibleng ang mga hinaing umano ng mister na may madalas na bu­mu­bulong sa ka­niya na hindi naman ma­ipaliwa­nag kaya nagawa nitong magbigti gamit ang isang nylon cord.

Bago umano ang insidente, nagawa pang utusan ng nasawi ang misis na magluto ng almusal at nang makatapos magluto ay tinawag nito ang mister subalit hindi ito sumasagot at nang pasukin niya sa kuwarto ay doon na tumambad na nakabigti na ito.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng biktima dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

vuukle comment

BAHAY KALINGA

BASECO COMPOUND

GATE B

HOMICIDE SECTION

JOCELYN

JOCELYN BREZ

MAYNILA

NORBERTO BREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with