Klase sa lahat ng level sa Maynila, suspendido bukas
MANILA, Philippines - Walang pasok bukas (Lunes) ang lahat ng antas ng paaralan sa lungsod ng Maynila.
Ito naman ang nabatid mula kay Diego CagaÂhastian, Media Information Bureau chief ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon kay Cagahastian pinirmahan ni Estrada ang Executive Order No.31 na naglalayong suspindihin ang klase sa lahat ng antas ng unibersidad, kolehiyo at maging sa elementarya.
Bunsod na rin ito ng isaÂsaÂgawang dental at medical mission ng Felix Y. MaÂnalo Foundation, LiÂngap Sa Mamamayan kung saan inaasahang lalahukan ng may 1.6 milÂyon participants sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila .
- Latest