^

Metro

TRO vs bus ban,ibinasura ng korte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng  Manila Regional Trial Court ang kahilingan ng bus operators na pagpapalabas ng  temporary restraining order laban sa implementasyon ng  bus ban sa lungsod ng Maynila.

Batay sa  desisyon na ipinalabas ni  Manila RTC Judge  Daniel Villanueva branch 49,  wala umanong merito ang  petisyong inihain  kamakailan ng mga bus operators upang pigilan ang implementasyon  ng   Resolution no. 48 o ang pagbabawal sa  pagpasok ng mga bus na walang terminal.

Ayon naman kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, indikasyon lamang ito na legal at nasa tama ang  pagpapatupad  ng  nasabing ordinansa sa layuning maayos ang trapiko sa lungsod.

Sinabi  pa ni  Moreno, na malinaw sa ilalim ng Local  Government Unit,  na may karapatan ang  lungsod ng   Maynila na magregulate  sa mga dadaan sa kalsada  at kalye sa layuning mapangalagaan ito.

Bagama’t  marami ang bumabatikos, sinabi ni  Moreno na  hindi nila titigilan ang   implementasyon nito hangga’t hindi nadidisiplina ang mga operators mula sa paggamit ng mga kolorum bus, drivers na nagbaba ng pasahero kung  saan-saan at mga commuters na kung saan-saan sumasakay.

AYON

BAGAMA

BATAY

DANIEL VILLANUEVA

GOVERNMENT UNIT

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with