^

Metro

Traffic enforcer na nangotong sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak na ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica ang isang traffic enforcer matapos na ireklamo ng pangongotong ng isang  miyembro ng  Tayuman-Pritil Operators Drivers Association sa Manila Police District-Manila Action and Special Assignment (MASA).

Sa isang entrapment operation nadakip si Felix Lim, 50, ng #819 Gabriela St. Tondo, Maynila ng mga tauhan ng  MASA matapos na ireklamo ni  Imelda de Vera, 42, secretary  ng na­sabing asosasyon.

Batay sa record, hi­nu­huli umano madalas ni Lim at ng kasamahan nitong nakilala lamang si PO1 Sacur ang mga pampasaherong jeep na may rutang  Pritil-Tayuman kung hindi umano makapagbibigay ng  ‘lagay’.

Bunsod nito, minabuti ni  de Vera na isumbong sa  MASA  ang katiwa­lian umano nina Lim at Sacur kung kaya’t isina­gawa ang entrapment operation.

Nag-usap sa pama­magitan ng  text si De Vera at Lim kung saan mag­kikita at ibibigay ang P1,000 na hinihingi umano ng mga suspect. Nagpositibo naman sa  ultraviolet powder  si Lim  habang si Sacur umano ay nagtatago.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Pasang Masda President Roberto Martin ang MASA sa pa­ngunguna nina MASA chief,  Chief Insp. Ber­nabe Irinco, Jr.; MASA Chief Operations , Insp. Manuel Laderas; SPO1 Adolf Tagufa; SPO1 Joel Aquino at PO2 Rene Lagri­mas sa pagkakadakip ni Lim.

Ayon kay Martin, indikasyon lamang ito na pursigido ang kapulisan na malinis ang  mga kotongero  sa lansangan  at maiwasan ang  ‘lagayan system’.

ADOLF TAGUFA

CHIEF INSP

CHIEF OPERATIONS

DE VERA

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

DRIVERS ASSOCIATION

SACUR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with