^

Metro

Kris Aquino, Pacman napilitang sumakay sa MRT MM muling binaha, trapik tumindi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napilitang sumakay ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng Metro Rail Transit sina Presidential sister Kris Aquino at Saranggani Rep. Manny Pacquiao upang makahabol sa kani-kanilang appointments makaraang lumubog sa baha na nagdulot ng matinding trapik sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kamakalawa ng hapon.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang umabot hanggang bewang ang taas ng baha sa C5 Hypermart sa Pasig maging sa Ortigas Green Meadows.  Hindi rin madaanan ng mga sasakyan ang maraming bahagi ng EDSA kabilang ang EDSA-Santolan, EDSA-Kamuning. 

Ganito rin ang naging sitwasyon sa Kamias Road, Mother Ignacia Avenue, Ara­neta Avenue, Del Monte Ave­nue, Timog Avenue, Kalayaan Avenue at Jamboree Avenue sa Quezon City. Sa Panay Avenue, kinailangang i-rescue ang mga empleyado ng Civil Service Commission (CSC) dahil sa lagpas taong baha.

Napilitang iwan ni Pacquiao ang kanyang sasakyan at sumakay na lamang sa MRT upang makahabol sa dadaluhang “Bible study” sa Quezon City habang sumakay din ng naturang train si Kris Aquino upang makahabol din sa kanyang appointment. 

Sinabi ni Kris na isang “memorable experience” ang pagsakay niya sa MRT at paki­kihalubilo sa mga ordinar­yong mananakay. Nakisabay pa ito sa pagtayo sa loob ng tren at nag-post ng dalawang larawan sa kanyang “Instagram account”­.

Samantala, matinding pagbabaha rin ang naranasan sa España Avenue, Taft Avenue, Pedro Gil, UN Avenue, R. Papa sa Maynila na nagdulot ng pagka-stranded ng libong mga commuters. Marami ang napilitang maglakad-lakad hanggang sa makasumpong ng masasakyan habang maraming mga jeep ang punuan.

 Ayon sa PAGASA, ang malakas na ulan ay dulot ng “localized thunderstorm” dulot na rin ng ITCZ (inter-tropical convergence zone) kung saan bukod sa Metro Manila, apektado rin ang ilang bahagi ng Bulacan, Rizal, Bataan, Batangas­, Laguna at Cavite.

AVENUE

CIVIL SERVICE COMMISSION

DEL MONTE AVE

JAMBOREE AVENUE

KALAYAAN AVENUE

KAMIAS ROAD

KRIS AQUINO

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with