3,732 OFWs nakakulong sa 53 bansa
MANILA, Philippines - May kabuuang 3,732 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakakulong sa 53 bansa dahil sa iba’t ibang uri ng krimen, ayon kay SeÂnate President Pro Tempore Ralph Recto.
Sa nasabing bilang, 108 ang nasa ‘death row’ sa anim na bansa, kung saan 69 sa mga nakatakdang bitayin ay nasa Chinese jails at naghihintay ng execution o kaya naman ay mabigyan ng clemency.
Ginawa ni Recto ang pahayag matapos iulat ng opisÂyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdinig sa isang komite sa Kamara na nasa 80 lamang ang nasa death rows sa pitong bansa kung saan 28 umano ang nasa China.
Sinabi ni Recto, sa Malaysia ang pinakaraming bilang ng mga Filipino na nakakulong na umaabot sa 2,236 dahil sa immigration cases matapos maglunsad ang gobyerno ng nasabing bansa ng crackdown laban sa mga undocumented aliens.
Sumunod ang China, Hong Kong at Macau, 345; Saudi Arabia, 277; USA, 208; Italy, 97; United Arab Emirates, 75; Kuwait, 72; Japan, 59; Peru, 37; Qatar, 34.
Sa mga nakakulong na mga OFWs, 476 sa mga ito ay mga babae at 865 ang lalaki, samantalang hindi nakalagay sa ulat ang kasarian ng nasa 2,391.
Nabatid din ni Recto na karamihan sa mga nakaÂbilanggong OFWs, ay may kaugnayan sa “work disputes†o immigration-related at nahaharap sa kaso ng illegal na droga.
- Latest