Kinidnap na Kuwaiti nasagip sa NAIA 3
MANILA, Philippines - Matagumpay na naÂiligtas ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at Aviation Security Group (ASG) ang isang Kuwaiti national sa mga kidnappers nito sa isinagawang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac ang nasagip na biktima na si Ahmad Mohammad Abdullah Alkandari, 49, kasal sa Pinay na si Bailen Momen na taga-Mindanao.
Kasabay nito, nasakote naman sa operasyon ang dalawang kidnapper na sina Jamion Antam Salahuddin at Amorudin Dani Canape.
Ang iba pang mga kaÂsabwat ng mga ito ay tinukoy namang sina Queenie Ayunan Dumial at AdeÂlaida Ayunan Dumial.
Bandang alas-10:30 nitong Miyerkules ng gabi nang masagip ng mga operatiba ang biktima mula sa mga suspect sa NAIA Terminal 3 matapos namang palibutan ang Mitsubishi Pajero ng mga kidnappers.
Nabatid na ang biktima ay kinidnap ng mga suspect kamakailan sa hindi tinukoy na lugar sa Metro Manila.
Nabatid na humingi ng tulong si Momen sa Kuwaiti Embassy na inireport naman ang insidente sa PNP-AKG at ikinasa ang rescue operations maÂtapos makapagbigay ng inisyal na P612,585.55 ang pamilya ng mga biktima mula sa milyong haÂlaga ng ransom na demand ng mga suspect.
Ang mga nasakoteng suspect ay kasalukuyan na ngayong nakapiit sa detention cell ng PNP-AKG sa Camp Crame habang inihahanda na ang kasong kriminal laban sa mga ito.
- Latest