Cavite bus operators, tumiklop sa MMDA
MANILA, Philippines - Matapos na pagbantaan na kakasuhan dahil sa pangunguna sa naganap na tigil-pasada ng kanilang mga bus units, nais ngayon ng mga bus operators sa lalawigan ng Cavite na makipagdayalogo sa MeÂtroÂpolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) upang mapag-usapan ang dinaranas umano nilang problema sa Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa Coastal Mall, Parañaque City.
Hugas-kamay naman ang mga bus operators sa naganap na tigil-pasada ng ilang bus units na kusang-loob umanong ginawa ng kanilang mga drivers.
Sinabi ni Nez Martinez, pangulo ng United Cavite Bus Operators Transport Inc., na maging sila umano ay nagulat sa pagtigil sa biÂyahe ng kanilang mga driÂvers. Maaaring nagawa umano ito ng mga tsuper dahil sa mga problemang nararanasan sa terminal.
Nais naman ng mga bus operators na makipag-pulong kay MMDA Chairman Francis Tolentino na nagalit sa mga bus operators nang mistulang isabotahe umano ang biyahe at ang operasÂyon ng terminal. Nais nilang ibulalas kay Tolentino ang mga hinaing at mahanapan ng solusyon.
Kasama umano sa mga problemang nararanasan ng mga driver ang mahabang pila, kawalan ng mga paliÂkuran at makakainan sa loob ng naturang terminal. Halos 70% na rin umano ang lugi ng mga bus operators mula nang buksan at ipagamit sa kanila ang terminal dahil sa nalilimitahan ang biyahe ng bawat bus ng isa hanggang dalawang biyahe kada araw dahil sa bagal ng pila sa terminal.
Kahapon, balik-normal na ang operasyon ng mga bus sa naturang terminal nang bumiyahe muli ang mga bus drivers na kasamang nagtigil-pasada. Nakipagpulong na rin ang mga bus operators kay MMDA operations manager Emerson Carlos.
- Latest