P500-M halaga ng smuggled goods nasabat
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P500 milyong halaga ng mga smuggled cell phones, unregistered health products, computers, cameras , mamahaling bags at damit ang nasabat sa Manila International Container Port (MICP) ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).
Pinangunahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang inspeksiyon sa may tatlong 40-footer container van mula China na misdeclared ng consignee nitong Tumbler Enterprises upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.
Ayon kay Biazon, ang nasabing kargamento ay nasabat ng mga operatiba ng BOC-Intellectual Property Rights Division (IPRD) matapos ang surveillance operations.
“These seizures are definitely a big boost to the local market, especially for the distributors of high-end international brand products as this will enhance investor confidence for them in the country,†ani Biazon.
Sinabi ni Biazon naiwasan naman na malugi ang mga lehitimong importer.
- Latest