4 pekeng traffic enforcer, timbog sa kotong
MANILA, Philippines - Kulungan ang bagsak ng apat na kalalakihang nagpanggap na traffic enforcer makaraang maaktuhang naÂngongotong sa isang motoÂrista sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang mga naÂdakip na sina Celeteria EduardoÂ, 40; Medina Bernard, 40; Liwag Raymond, 33; at Joves Eduardo, 48. Maliban kay Medina, ang tatlo ay pawang dating miyembro ng trapik ng Department of Public Order and Safety sa lungsod.
Nadakip ang mga suspect ng mga personnel ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) sa pamumuno ni Police Insp. Manuel PayoÂngayong base sa reklamo ng biktimang si Dorothy Joy Ricalde, 25, na kinotongan umano ng halagang P700 kapalit ng pagbabalewala ng traffic violation.
Si Ricalde ay anak ng San Juan Chief Prosecutor Tomas Ricalde Jr.
Base sa reklamo ng biktima, development officer ng Marikina City, nag-ugat ang insidente nang parahin siya ng mga suspect habang minamaneho ang kanyang sasakyang Toyota Vios sa may U-turn slot sa harap ng Wilcon Bldg. Brgy. Bagumbayan, ganap na alas-11: 30 ng umaga.
Sabi ng biktima, hindi niya batid kung bakit siya pinara ng mga suspect na pawang mga naka-uniÂporme pa ng asul na polo shirt na ginagamit ng mga awtoridad at may tatak ng TEG QCPD.
Dito ay sinabihan umano ng mga suspect ang biktima hinggil sa paglabag niya sa batas-trapiko at para umano hindi na siya tiketan ay hiÂningan siya nito ng halagang P700.
Para hindi maabala ay ibinigay ng biktima ang hiÂningi ng mga suspect saka siya pinaalis ng mga ito. Pero habang papalayo ay nagpasya ang biktima na iteks ang kanyang tatay na siya namang humingi ng tulong sa Police Station 12 at sa District Traffic Enforcement Unit ng Camp Karingal.
Agad na rumesponde ang mga pulis kung saan naabutan pa ang mga suspect na nakaposisyon sa lugar at nakasuot ng uniporme ng traffic enforcer saka inaresto.
Personal ding kinilala ng biktima ang mga suspect na nambiktima sa kanya at narekober ang tatlong motorsiklo at tatlong booklet na paniket.
Kasong robbery exÂtortion at usurparion of authoÂrity ang isinampang kaso ng awtoÂridad laban sa mga suspect.
- Latest