Kelot nagbigti sa puno
MANILA, Philippines - Isang 36-anyos na lalaki ang natagpuang patay na nakabigti sa puno sa Baseco, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Sa pamamagitan ng baÂrangay certificate na nakuha sa kanyang pitaka, kinilala ang nagpatiwakal na si Arnel Cueto, ng Purok 6, Brgy. Calicanto, Batangas City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, isang residente na si Beverly Trorica, ang nakakita sa biktima na tumawid sa bakod ng Delpan patungong Baseco Circle dakong alas-3:30 ng umaga.
Sa isang puno sa loob ng Baseco Circle nadiskubÂreng nakabigti ang biktima, bagamat nakasayad ang paa sa lupa, gamit ang kanyang sariling sinturon na itinali sa leeg, bago mag-alas-4:00 ng madaling-araw.
Sa nasabing barangay cerÂtificate, nakasaad na huÂmiÂhingi ng medical asÂsistance ang biktima dahil sa sakit sa baga.
Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
Aalamin din kung may foul play sa insidente dahil ang lugar ay kilalang bentahan ng iligal na droga kung saan marami na ang naitalang napatay.
Samantala, sa Pasig City, laking panlulumo ng isang mister matapos na matagpuang nakabigti at wala nang buhay ang kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. PinagbuÂhatan, Pasig City, kamaÂkalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Mylene Jimenez, 37, at reÂsiÂdente ng R.A.C.G. Gate II, Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan.
Nakadiskubre ang bangkay ni Jimenez na nakabigti sa beam ng kanilang bahay gamit ang isang nylon cord dakong ala-1:00 ng hapon.
Nabatid na huling nakitang buhay ni Joseph Rebenito ang kinakasama ng alas-8:00 ng umaga bago siya pumasok sa trabaho, kung saan ay ipinaghanda pa umano niya ito ng almusal.
Hindi naman na pumayag ang kapatid ni Jimenez na si Candy, 29, miyembro ng Batas ng Ciudad Enforcement Office, na imbestigahan pa ang insidente dahil naniniwala itong walang foul play na naganap.
Sinasabing mayroon taÂlagang suicidal tendency ang biktima dahil una na rin nitong tinangkang magpakamatay noong nakaraang taon ngunit naagapan lamang ito.
Depresyon naman ang naÂkikita ng mga awtoridad na posibleng dahilan kung kaya nagpatiwakal ang biktima.
- Latest