^

Metro

Integrated Bus Terminal, pinaboran ng Cavite Mayors

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta ang Cavite Mayors sa pagka­karoon ng Southwest Integrated Terminal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa makakatulong din ito sa pagsugpo sa maraming kolorum na pampublikong bus sa lalawigan.

Pumirma sa isang “manifesto” ang mga miyembro ng Cavite Mayor’s League na sumusuporta sa Southwest Integrated Terminal para mapaluwag din ang daloy ng trapiko sa kani-kanilang munisipalidad.

Sa pulong kay Chairman Francis Tolentino sa MMDA Office, nangako si Noveleta, Cavite Mayor Enrico Alvarez, pangulo ng Cavite Mayor’s League na ipapaliwanag nila sa mga nasasakupan, bus operators at mga pasahero ang mga buting idudulot ng terminal.

Samantala, nagsumite naman ng petisyon ang MMDA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humihiling sa pagpapababa sa pasahe sa mga bus na sakop ng operasyon ng integrated bus terminal.

Kung maaaprubahan, magiging malaking tulong ito sa mga pasahero na kailangang lumipat pa ng sasakyan sa pagbaba sa terminal at ma­ngangahulugan ng dagdag pamasahe.

Nakatakdang opisyal na magbukas ang Southwest Integrated Terminal sa Agosto 6 sa Uniwide reclamation area, Parañaque City. Ga­gamit ito ng “biometric-based system” kung saan isasailalim sa finger-scanning ang mga tsuper para sa beripikasyon kung may ilang traffic violation na ito at kung maaari pang makabiyahe.

AGOSTO

CAVITE MAYOR

CAVITE MAYOR ENRICO ALVAREZ

CAVITE MAYORS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SOUTHWEST INTEGRATED TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with