^

Metro

Kelot naningil ng pautang, todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na lalaki ang patay nang barilin sa batok ng hindi pa nakikilalang  suspek kahapon ng madaling araw sa Dagat-Dagatan, Navotas City.

Nangyari ang insidente bandang alas 3 ng madaling araw sa Tumana, Dagat-Dagatan, ng nabanggit na lungsod habang kausap  ng biktima ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, nakipagkita ito sa isang lalaki na kanyang sisingilin sa utang.

Matapos na magka-usap, naglabas ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente at iniwan ang biktimang naliligo na sa kanyang sari­ling dugo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy suspek at motibo sa insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with